Walang lugar na katulad ng kabataan, kung saan nabuo ang pangarap..
Tingloy: A little Taste of Paradise


















a place like home



_x_o_x_o_x_o_x_o_x_o_x_o_x_o_x_o_x_o_x_o_x_o_x_o_x_o_x_o_x_o_x_o_x_o_x_o_x_o_x_o_x_o_x

Dito yung Masaya, noon kase ang dami naming trip…
  • naranasang parawin (mag-bangkang de sagwan) ang Batalambato sa tapat ng Punta
  • marunong kang lumangoy mula aplaya hanggang Galaxy (malaking bangka de motor na nakatigil sa gitna ng dagat, sa tapat ng bahay ng Lola Mantang at AtCheding)

    sunset


    Noon: makinis kahit bato

  • umaga pa lang namumulot ka na ng sigay o buwan buwanan sa aplaya para sa paglalaro ng doble kara sa may Talisay.
  • ilang beses nasugatan sa pagawa ng trompo from puno ng bayabas..,
  • ….(see me!!)

___________________________________

Land of my Father..

Buhay Pulambuli.

6:00 gising na, walis ng buong mala footbool field na bakuran ng Lolah ko

noon: umaga pa lang nasa talbukan na kami ng pinsan kong kasabwat sa lahat ng krimen, takas at puslit namin ng kung ano anong gamit sa paghahanap ng sihi(seashells)

-at di ko makakalimutan ang naputol na isang front teeth nya noon sa paglalaro ng taguan. at ilang minuto pagkatapos ng paghiwalay ng isang bahagi ng ipin, kinikil ni Ate yung katabing ipin para sila maging pantay.. (napakagaling nang naisip nya noh?)..,

ilang beses nalunod/nilunod ng magagaling kong pinsan at kapatid bago natutunang ipadyak ang paa ko sa tubig… Ngayon marunong na ko lumangoy.., Salamat.. (mga kamote sila talaga)

Outing sa Silangan

Transferee ako noong grade two: stranger sa unang araw ng eskwela, pagtitinginan ng mga inosenteng bata na parang may kakaibang mukhang naligaw sa isang bugkos ng amoy-araw na alikabok sa tag-araw.. (parang libag ba tawag dun)..

*@*~* seatmate ko noon.., sya na ang bully na matatawag ko sa buong schoolyear ko.., (may His soul be in peace, i’ll pray for you pare!!)

tuwing tanghali, kung di naglalaro ng jackstone at luksong tinik, ang sarap balikan ang asim ng sampalok sa may agbang…-ilang beses nga tinangay ng baha ang tsinelas ko noon?.. nginig lagi kay Madam pag-uwi sa bahay!!..

____

pulambuli at dawn

 


27 Responses »

  1. marlou aldovino says:

    naalala mo pa ba.magtaguan sa gabi pag mliwanag ang buwan,un pla dretso sa latag, magnanakaw ng mais ng mamay tato….

  2. yiN says:

    Nax, nostalgia trip.. Saya naman talaga ng skuldeys..

  3. J. Kulisap says:

    Ibinabalik mo ako sa nakaraan.

    Sa mga salitang naririnig ko na lamang sa aking balintataw.

    Saan ang iyong lugar dito sa Pilipinas?

    Katimugang Tagalog?

  4. bertcontrol says:

    namiss ko tuloy umuwi ng probinsya…

    ..kasama ang mga NPA. *joke* :)

  5. chevybo says:

    ang sarap balikan ang nakaraan, lalo na ang kagandahan nito bago pa wasakin ng kasakiman ng mundo. pa iwan ng putprints! ehe. ;)

    • lee mi says:

      at lagi nyang ibinabalik ang dati kong kulay tuwing uuwian ang dagat sa Silangan..at okay laang yun sa kin, mas masaya ang pagbalik sa simple at walang polusyong kapaligiran..

      salamat sa pagiwan ng bakas.., dadalawin din kita ngayon..=)

  6. chevybo says:

    sabagay, kung may mabuting idudulot meron din namang masama. parang ang mga kulay na puti at itim. hindi mo matatawag na puti ang isang bagay hangga’t hindi mo pa nakikita ang kulay na itim. haay, tama ba ‘tong mga pinagsasabe ko. hahah. sige! basta may matipa.

    suming? sige, tara! saglet, kuha ka camera para me memembrans! ehe ;)

    • lee mi says:

      ganun ba theory ng puti at itim?.. nagulo utak ko…=) sa susunod na uwi ko dun dala na ko bato, buhangin at sigay na rin.., palamuti ko sa bahay ko..gusto mo dalhan kita?…membrans nga.=)

      • chevybo says:

        hindi ko rin alam, basta’t ang tanging alam ko’y.., kelangan’g manaig ang kabutihan sa kasamaan. edi mas lalong gumulo utak mo diyan? hahaha. sige dalhan mo ko nian,para may memembrans ako galing sa’yo. pag sinabe ba’ng palamuti. ibig sabihin maputi lahat? hahaha. panggulo ‘let! :p

      • lee mi says:

        waahh..panggulo nga.
        pag nanaig ba kabutihan sa kasamaan may thrill pa ring maging mabait?.. pag walang panggulo, walang eksaytment?

  7. chevybo says:

    “pag nanaig ba kabutihan sa kasamaan may thrill pa ring maging mabait?” – ou naman, ang paggwa muli ng kasamaan. naguluhan ka ulet noh? wahahah.

    mali, pag walang panggulo, walang chevybo! hahaha. :D

  8. mikkimao says:

    aba’y batanguena ka pla?! Kabayan! Kamusta ga duon sa inyo?! kailan ka ga nanduon at maka-sinsay naman minsan… :-D

  9. ferdz says:

    Nalaman ko rin kung nasaan ang Tingloy. Ang ganda!

    • Leemi says:

      isang maliit na isla lang sa Batangas yung sa min, parang hugis bigas lang sa Philippine map, at di mo na sya makikita kapag world map na ung tiningnan mo ahhaha, pero gusto ko sa lugar namin, simple, walang polusyon, walang jeep dun, bangkang de motor lang ang transpo, walang mall, walang pabrika, tahimik at sai nga, there’s no place like home.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s