Every uwian sinasabay kami ni Kuya Jigs sa sasakyan nya hanggang Cubao, taga-Santa Cruz kase sya at parepareho kami ng way kaya napipilitan syang isabay kami. Thursday ang coding nya kaya expected na late ako ng uwi kapag Huwebes, alam naman ng lahat na mahirap sumakay sa EDSA at last week, halos 20minutes siguro ako naghihintay ng bus papuntang Letre kaya nag MRT na lang ako kahit hanggang North Avenue lang, pwedeng dun na ako sasakay ng bus, piso ang diperensya sa pamasahe kaya oks lang (I am so kuripot you know!). Kahit mejo masikip, mainit at sa side ng mga lalaki yung nasakyan ko, oks na rin, at least may nagbigay ng upuan nila para sa ‘kin. Okay lang ang lahat, carry ko kahit ang mahabang pila mula sa bilihan ng ticket, kakaibang amoy sa loob ng train hanggang sa mahabang pila ulet sa paglabas, isa lang ang di ko kinaya, -bigla akong nagsinok.
Yung sinok na pilit kong kinakalma ang loob ng baga ko para pigilin ang pagsinok o kung magsinok man ako eh mejo mahina lang, hindi yun nangyari Ate Charo. Di ko alam kung saan ako bibili ng tubig kase sa bawat sinok ko, nagugulat at napapatingin sa kin kung sino man makarinig, siguro iniisip nila na ilang hininga na lang baka bumigay ako at bumulagta sa EDSA, shaks!. Ang hirap kumalma. At di ko alam kung bakit di ko naisip na mas malapit ang Trinoma sa MRT kesa sa SM North. Nilakad ko pa yung masikip at maraming taong rehas sa may sakayan ng bus hanggang sa pagtawid ng Footbridge na naguunahan yung sinok ko hanggang sa pila na naman papasok sa SM, mejo mabusisi kase yung Security Guard sa paghahalukay ng mga bag ng mga pumapasok, at pakiramdam ko yun na ang pinakamahabang lakad ko.
Minsan lang naman ako atakihin ng sinok, pero malakas yung sound effects na parang hinihika na parang nawawalang ng hangin yung baga ko. Natatandaan ko nung college, pagsakay ko ng elevator bigla ako nagsinok, tawanan lahat ng estudyante. Hindi cute o in-love ang sinok para sa kin, laging disaster.





aww… buti na-survive mo naman.
May simpleng solusyon ang sinok na epektib sa akin.
1. Hinga ng malalim (inhale). Yung super hinga na parang wala nang ibang hangin sa mundo.
2. Pigilin ang paghinga.
3. Pigilin ang pag-exhale.
4. Pigil pa hanggang sa makakaya.
5. Inhale na uli.
Wala na ang sinok.
pag napasobra, wala na ang sinok.. wala ka na rin. lol
akala ko nasa ibang ibayo ka. andito ka na pala sa pinas.
speaking of sinok, di ba kaya ng tubig?
leemi, kailangan mo ng taong gugulatin ka madalas. pinaka mabisang pantanggal ng sinok ang panggulat na eksena.
turo ni Nanay pag nasisinok daw ako isang kutsarang asukal tapos sabay inom ng tubig ginagawa ko sya at pagkalunok ko ng tubig wala na ang sinok hehehe try mo din pero kung nsa MRT ka kahit anong sweets pwede na basta matamis tapos tubig.
ay totoo to… hehhehehe.. grabe, pang most embarrassing moment yun ah?.. sinukin sa isang public place tas sobrang lakas… (dapat naglagay ka na lang ng papel sa noo mo, un ung nilalagay ng mama ko sa bunso namin dati) joke!..
happy new year leemi..