Siguro naman napansin nyo sa last post ko na ang dami kong sili at kamatis na pictures, yun ay dahil nag POS kami last October 17-21 sa Pangasinan.. product orientation daw para sa mga new employee lalo na para sa mga Agronomist, ako naman tagabilang lang kung ilang buto ang laman ng isang 1kg pack kaya  alam ko super nakakainip ang mga ganung seminar pero ngayon ko lang narealize na sobrang inip ko pala dun at nagnonote ako every minute.. shaks!

101711, monday. 547am, bus, we’re off to pangasinan, nagising ako before my alarm hits 4, kaso ambagal ko kumilos kaya ayun past 5 na ko nakaalis ng bahay, sana hindi ako malate, 630 naman usapan alis sa opis kaya may 41 minutes to go pa ko.. hihi.. namimiss kita dito kase ayun mas gusto ko magbyahe kasama ka, gusto ko balikat mo ung aalalay sa kin pag nakatulog ako sa byahe.. namimiss na naman kita. basta, iingat ako dun at ayun.. sana next time ikaw na ang aking kasama ..

733am, jolibee for breakfast, si manong bumunggo sa pintong bubog heeheh tawanan ang lahat, wawa naman sya. need na nya palitan salamin nya sa mata. inaantok pa ko, puro lalaki tong kasama ko, okay na rin para di ko kailangang mag ayos, cowboy kumbaga.. miss pa rin kita dito..

daan daan lang

daan daan ulet

1110am, dito na kami Tayug, Pangasinan, kapagud ang byahe pero oks lang, kami nauna, wala pa yung iba. magtetxt sana ako sau kaso walang signal ang smart, taragis, paktay na naman ako nito. iingat ako dito kase yun yung #1 requirement mo..

125pm, kakatapos lang lunch. mainit dito kase ung hangin nasasanggahan ng mga puno. napapalibutan kase to ng mga punongkahoy kaya salamat sa electric fan mejo less init.

510pm, pumunta kami sa rice field kanina para tingnan yung rice varieties, sobrang init kanina na halos nangitim ako bigla pero ngayon sobrang lakas naman ng hangin at may ulan, nananayo yung balahibo ko sa lamig, sana hindi ako magkasakit.

mga kaklase

644pm, pause for dinner, actually Hybrid Rice yung line ng company na naghire sa kin kaso puro vegetables yung mahabang discussion, nakakainip pala talaga., gabi na pero to be continued pa mamaya after dinner yung discussion.. hay, tired is me na.

1018, 725am, tapos na kami almusal. hindi ko alam kung ano oras ako nakatulog kagabi basta after ko kausap si chief knockout na ko talaga, gusto ko pa sya tawagan ulet kaso wala na pala ako load, poor is me, at ayun nga sa sobrang pagud tulog ako agad, nagising lang ako 316am, maalinsangan kase, gusto ko sana buksan ang aircon kaso takot ako bumangon, gusto ko sana umihi kaso ayun hehehe natatakot aketch.. tiis tiis hanggang makalimutan ko na naiihi ako at naiinitan at balik sa tulog ulet, nagising ako 5am sa alarm ng relo ko sa mobile, antoks pa kaya wait ko ulet another snooze.. 530 nag decide na ko maligo kaso ung kasama ko nagprisintang sya na lang mauna, ayun.. hinayaan ko na lang sya at bumaba ako sa lawn para salubungin ang bagong umaga,. hay sarap sa probinsya..

naninilip na ang araw

1033am, nag field visit kami, shet wait may umutot… putcha naman di pa lumayo.. ..mainit sa field pero dahil marami variety ng products ayun masaya, kinunan ko pa ng litrato ung ibang variety., masarap magsaka ayun lang yung panahon dapat kasundo mo, kalimitan kase pabago bago.. parang mood ko ahihihi.. back to lecture na naman kami ngayon at back to antok stage na naman aketch.. miss pa rin kita dito..

wala naman sigurong kapre dito

1234pm, level up na ang antok ko hindi pa rin tapos ang boksing,, sana may brek maya kahit 30mins.. gustoko ng power nap

223pm, tapos na ang lunch, tapos na ang break, pinikit ko sandali ung mata ko kanina at naghilamos ako bago bumalik sa lecture, hindi ako inaantok.. pero nakakainip ang pakikinig..

ikaw ang bawat tingin ko sa oras

101911, 756am, tapos na almusal, simula na naman ng walang katapusang lecture.. hayys bukas ng umaga pa raw kami balik ng maynila, akala ko pa naman mamaya uwi na kami., buti may damit pa naman ako. kanina nung naligo ako ayun.. kulay kalawang yung tubig.. tiis tiis kesa hindi makapaligo… ngayon, simula na naman na maiinip ako at mas mamimiss na naman kita..

walang katapusang lecture

948am, snack break na ulet, ang daming pagkain dito, fresh vegetables and fruits pa kase bagong pitas sa farm. sarap dito ng pagkain, ayun lang extra healthy na naman ako pagbalik ng maynila..

1044am, inaantok na ko, level up! at kung kahapon ginawan ko ng paraan para mawala yung antok, ngayon gusto ko na talaga matulog, gusto ko na umuwi!!. :(

835pm, tapos na ang disussion ni boss, tapos na ang hot pot (bersyon ng shabushabu sa ilang korean restaurant) after makapag wash, bumaba muna ako ulet para makisama naman sa konting kantahan kasama sila.. namimiss kita dito.

pag magaling kumanta, regular agad!

102011, 738am, handa na kami umuwi sa maynila, nakapag almusal na, naikarga na rin ang mga bagahe sa truck, hinihintay na lang yung sasakyan at mga driver (managers ang taga drive), mejo masakit ulo ko ngayon, kagabi kase mejo uminom din :D , pero red wine naman kaya good for the health na rin, ung iba mejo nahihiya pero yung iba kumakanta rin, ako naman syempre mabait lang sa may gilid, umiinom pero normal lang, walang praktis kaya hinay lang… pero yung hinay hinay sa kin matibay sa inuman pala sa kanila, ung normal na inom ko pangmatagalan palang bersyon yun sa kanila, at sabi ni boss regular na kapag marunong kumanta.. paktay on proby pa lang talaga ako ahahaha.. maaga naman natapos, 11pm kaming tatlo na lang ni ms. weng at sir virnel yung nandun at nag close.. okay fine, hindi ako nagsimula pero ako ang nagsara..

healthy red

1104am, nasa byahe na kami, umalis kami dun sa Tayug mga 730am na, mahaba rin ang byahe kase hanggang ngayon nasa byahe pa kami, sakit sa pwet. naisip ko sana kung kasama kita dito hindi ako makakaramdam ng kahit anong pagkainip..

654pm, nandito ako sa bus pauwi na ng bahay, sa bilis ng bus na to at sa sobrang pagkareckless ng driver, bagay na bagay ang amazing ng aerosmith na sobrang lakas na nagpiplay sa ere, buti gusto ko na rin makauwi kase ang dami kong inuwing trabaho kahit hindi pa tapos ang seminar namin.. hayyy.. kill me now sabi nga ni manoj noon. buti wala akong masyadong gamit na inuwi kase ginabi ng dating ung truck na nagdala ng gamit namin.. nakakapagud.. sobra.

bahay kuba

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

** Binasa ko ulet ‘tong notes ko ngayon at narealize ko na boring pala ako magdiary ate charo. pramis last attempt ko na to!

About Leemi

h'wag mo 'kong masyadong kilalanin, baka maadik ka sa 'kin!!

4 Responses »

  1. twistedisme says:

    kaya paka nkwento ni chief nung tinawagan ka wala syang nainitidihan..hmmnnn

  2. salbehe says:

    Wow balbon! Nakita ko uli ang braso mong balbon dyan sa picture mo na may orasan.

    Minsan nagba-backread din ako ng sarili kong blog o diary (nung HS), natutuwa ako. Naaalala ko ang mga nangyari na kung walang blog o diary ay hindi ko na maaalala.

    • Leemi says:

      hehehhe, hairy me!

      naalala ko may diary ako nung highschool hanggang early college years kaso nakita ng lola ko at nabasa nya dun ang mga reklamo ko sa kanya ayun tinago nya, hanggang ngayon di ko pa rin nakikita..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s