Sino ba mag aakala na after ng sandamakmak na pangyayari sa buhay ko, late bloomer pa pala ako. Di ko alam yun until last time na naka-chat ko si Vajarl ilang months na ang nakakalipas.

Ang daming nakisahre sa ride ng buhay ko, yung iba hindi ko na rin matandaan mga pangalan, pero minsan, kapag bumabalik yung ibang memories, ibat ibang mukha, masaya, malungkot o maaksyong bahagi ng nakalipas, saka ko lang narerealize na sa dami ng napuntahan kong lugar, sa dami ng nakilala ko, hindi talaga imposible na makita yung magbibigay talaga ng kulay sa pinili nating mundo kung saan mas makikilala mo pati ang sarili mo.

Noon, feelingera talaga ako. Lagi naghahanap ng care, pero madali rin naman magsawa sa mga bagay. Dati rin lagi ko iniisip, kelan kaya darating yung taong talagang titigil sandali sa busy nilang everyday life para palipasin ang ilang oras kasama ako. Noon din akala ko nakita ko na sila, pero hindi pala masaya na ikaw lang nakakakita sa kanila pero hinid nila nakikita yung sarili nila kasama ka. Kumbaga masaya sila ngayon, pero walang plans para maging mas masaya pa kayo bukas o sa mga susunod pang panahon na lilipas. Alam ko, sanay ako na walang nagki-care talaga after mawala yung magulang ko, pero hindi naman ibig sabihin nun hindi ko na kailangan na may isang tao na mag aalala para sa akin. Mas kailangan ko yun at ang totoo nyan hindi ko man sinasadya na parang great wall yung aura ko, effect lang siguro yun para kung sakaling may isang taong makakita ng sarili nila sa ‘kin, handa silang i-break yun.

At ang dami kong sinabi, ang dami kong intro. Masaya lang ako ngayon. Yung masaya na pati yung pakiramdam ko nakangiti pati yung aura ko… ah basta.. masaya lang po.

Alam ko na kahit sa araw araw na hinahabol ko yung oras, malapit na ring dumating yung time na Ikaw na ang aabutan ko, yung kahit hindi ako tumakbo.. hindi pa rin ako late kase inaadjust mo na yung time para may grace period pa rin para sa ‘kin.

Ngayon,kahit matagal ka ng nand’yan sa disyerto at magsasaka na ko dito, darating din yung time na kasama mo kong isi-celebrate ang araw na ‘to.

Happy Birthday Chief, my life will never be the same without you… 

About Leemi

h'wag mo 'kong masyadong kilalanin, baka maadik ka sa 'kin!!

10 Responses »

  1. twistedisme says:

    teka..bday ko rin.. :D

    at wala ako masabi :oops:

  2. duking says:

    Happy birthday kay Chief!

  3. salbehe says:

    I’m so happy that you are happy. (:

  4. Vajarl says:

    Happy birthday Chief! Teka Ate Leemi, nagtatampo na nga ko di mo na ko chinachat. Hahaha :p

  5. cheesecake says:

    spread the good vibes :D

    HBD

  6. Sphere says:

    bakit ngayon lang ako may limang post na hindi ko namalayan? san ba ako nagsusuot hahaha? lagi na lang late si sphereq.

    Happy birthday Chief! asan ba ako nong birthday mo?

  7. kayedee says:

    I still remember those times na hnd ka pa nahuhumaling kay chief. nakita kita paano mag adik dun s nilablablyf u.. pero nang nahumaling (the word!) Ahah..na c chief dn sau, nkta p dn kta pano mag adik pero dis tym nkita ko ng may happiness.. kaya nging msaya n din ako pr sau.. :)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s