Alam kong di na ako nakakapag post lagi at alam kong dumadaan ka lagi dito sa blog ko, o kahit hindi ka dumadaan dito sa blog ko, ikaw ang representative ng “to whom it may concern”, alam ko kasing pa-like like ka lang pero nagbabasa ka rin lagi. At sa kanilang dumadaan dito minsan, nagbabasa kahit walang bagong post, o kahit puro keso at emo ang post ko lately. Salamat, oo na ang tamad ko ng magsulat. Pasensya po.
Oo na, halos isang taon na kong tambay nagbabakasyon, at hindi yun masaya, nakakabato sa totoo lang, bukod pa sa nakakaubos ng bait, pasensya at pera.
Hindi naman ako aksyuli tambay, umariba ang lovelife ko, pansin nyo naman di ba, nakapasyal pa at nakipagdate kay Chief sa disyerto. Kaso nung nagkaproblema sa visa, ayun dun na naman nabagao ang takbo ng mundo, balik Pinas ang drama ko. Pero okay naman din, sabi ko nga dati may trabaho naman kahit saan basta masipag ka lang, kaso ang problema di pala ako kasing sipag ng pagkakaalam ko, ang tamad ko lang sumipot sa interbyu ahihihi, basta, ngayon ko lang naisip, pag iniinterbyu ka pala, hindi ikaw lang ang naghahain ng kakayahan mo, two-way nga pala yun, yung trabaho eh nagbebenta rin sa’yo ng kung anong kaya nilang ibigay sa’yo sakaling dun ka magbigay ng sebisyo. At ayun nga, ngayon balik na naman sa traffic ng EDSA, balik sa usok sa kalye at pinipilit kong ibalik ang body clock ko, ang layo pala talaga ng Navotas kung sa Cubao ka magtatrabaho.. hayyy.
Medyo malayo kay Chief, ilang milya ang pagitan, pero ilang buwan na lang.. akin ka na ulet ahihih..
Ngayon, balik na naman ako dito, simpleng buhay, simpleng kasama ang mga mahal ko. Pero ngayon, pagkatapos ng isang taong pag aadjust sa bagong chapter ng buhay, marunong na akong maghintay. Basta dito lang muna ako, naghihintay kay Chief.





Yieee. Good naman pala. Na-bother lang ako sa pag-eemo mo. Tiningnan ko yung date July pa pala yun! Sorry naman. Na-bother din ako sa mga kamag-anak mo na walang pakialam. Gusto ko silang sampalin to the left and to the right.
Alam mo Leemi, hindi mo kailangan magpaliwanag lalo na sa mga echoserang katulad ko, pero maraming maraming salamat sa paliwanag mo. Tats me much.
nag status updeyt na rin, parang comatose na kase tong blog ko, Salamat sa comment dun sa isang post ko, dahil dun kaya ko na-post to hihihi
Dear Leemi
Hinihintay ko rin ang pagsasama nyo ni Chief. Pramis.
Love,
Momie Kaye
Salamat Momie Kaye, ang daming challenge sa ganitong life, pero thankful rin kase kahit ang daming umaaligid na echos, ayun.. surviving pa rin
Miss ko na kayo.
Ayos atleast hindi na emo post… congrats leemi….
hindi na nga emo post, ayoko na mag emo post, nakakahawa kase ang bad vibes
goodluck sa bagong work at ayokong sabihing goodluck sa paghihintay kase, naniniwala akong laging dumarating ang inaasahan ng taong handang maghintay.
ingat sa lagi, lee mi!
nakakamiss ung mang jose fan’s day kasama ka lee mi hahaha… kamusta ka, pray lang, lahat naman ay dumadating sa tamang oras.
oo nga leemi, pray lang, makakasama ka rin ni chief