Five years pa lang ako nun, halos di ko alam kung natatakot ako o di ko talaga naiintindihan ang mga nangyayari. Alam ko maraming tao at usap usapan kaming magkakapatid sa lahat ng lugar sa Isla. Kahit siguro mga taga kabilang parte ng bundok nabalitaan yung nangyari sa pamilya (echos, feeling sikat lang).

May 1989 namatay ang Nanay ko sa sakit sa puso. Pagkatapos sya mailibing dinala kami ng Tatay sa Bicol, taga roon yung Nanay ko at since mababait siguro ng ilang pasensya ang mga kamag anak ng Nanay ko kaya dun kami dinala ng Tatay habang sa barko sya nagtatrabaho. Anim kaming magkakapatid, 11years old si Kuya, 9 ang Ate, 7 si nor, 5 pa lang ako, 3yrs old yung sumunod sa kin at 9months pa lang yung bunso namin. Sunod sunod kaming pinanganak kung di nyo napapansin. Nung panahong yun, mahirap siguro ang buhay, di ko alam kung gaano kahirap pero siguro hirap na hirap si Erpat habang iniisip nya na palakihin kaming anim. Kung sarili ko nga ngayon hirap akong suportahanm yun pa kayang maliliit at inosenteng anim?

September 1989, pagkatapos ng 3months and 14 days na namatay ang Nanay, nabalitaan na lang namin sa Bicol na wala na rin si Erpat. Nakagat daw ng alaga nyang aso, di nya inakala na may rabbies at tiwala na malusog ang pangangatawan nya (lahi talaga kami ng malulusog) kaya hindi nya ininda yung kagat ng aso. Siguro nag self-medication si Tatay, since naka destino yung Barko nila sa Palawan. Pero ayun nga, di rin nagtagal umepekto yung rabbies sa ulo nya at dahil nasa malayong lugar di na rin sya umabot sa hospital.

Sa loob ng apat na buwan nawalan kami ng magulang. Di ko alam kung ano pakiramdam noon na mawalan ng magulang, kung meron sigurong panahon sa buhay ko, yun yung masasabi ko na inosente pa ko at di ko alam yung pakiramdam. Pero matututunan mo pala yung hirap habang lumalaki. Mahirap kase hindi pisikal na nakikita yung epekto. Maraming emotional factors na sana kung kasama namin sila, mas maayos ang naging buhay namin nagyon. Alam ko may mga times din na naiisip ng mga kapatid ko yung..  “kung buhay lang sila, hindi sana ganito..”

Sa stiff ng kompetisyon ngayon sa mundo para mabuhay, sa dami ng pagsubok na dumarating, iba pa rin yung may magulang, yung pag uwi mo sa bahay, pagkatapos ng nakakapagud na araw may yayakap sa’yo at ipaparamdam na okay lang lahat, medyo teleserye scene man yung dating pero iba pa rin yung nand’yan lang sila.

Alam ko madrama ang buhay ko mula noong mawala sila, pero parang Rosebud sa Citizen Kane, yung panahon na kasama ko sila yung totoong masaya. Di ko na mababalik yun, at alam ko bitter pa rin ako minsan na madaya yung mundo sa min, sa kin.. kase yung simpleng pundasyon ko sana… wala na noon pa.

About Leemi

h'wag mo 'kong masyadong kilalanin, baka maadik ka sa 'kin!!

4 Responses »

  1. wildfirelife says:

    bakit kasi panay ang tingin mo sa noon? hindi naman mababalik ung noon..
    pero ung ngayon..hindi masasayang..yun ung masarap na maging pundasyon para sa bukas..

    madaya ang mundo..oo alam na natin yun.
    at hindi teleserye ang buhay natin..

    dito kase walang skrip, walang mga salitang maganda para tumatak sa isip ng manunuod.. puro mali, puro inggit, puro galit,.

    palayain kaya natin ung sarili natin sa lahat ng yun?siguro mas masaya..

    tulad ng isang rosebud, mas maganda pala sya pag pinapakawalan nya ang lahat :)

  2. salbehe says:

    Ngayon ko lang nalaman ang ganitong istorya sa buhay mo. Nalulungkot ako. Parang gusto tuloy kitang ampunin.

  3. sorry to hear your story, leemi. but i’m sure, kahit wala si nanay at tatay physically, anjan lang sila lagi to guide you. just be strong and remember madaming nagmamahal sayo. isa na ako dun. be blessed lagi, leemi.. namiss kita, girl..

  4. hello, leemi.

    matapang ang iyong paglalahad. tila isang tahimik na paghiling na paghilumin ang mga sugat ng nakaraan… tila isang panalangin ding sa pagbuklat ng mga bagong pahina ay kasamang bubukas sa mga posibilidad ang mga may sugat…

    akala ko dati, ang mga kwento ay ukol lamang sa dagat, sa disyerto at sa business ad. regards… :)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s