Pasensya na blanko ako
Para na’kong patay ngayon, pinapalipas lang ang bawat oras
Pasensya na kung di kita magawang mahalin na hindi ka masasaktan
Alam kong iniisip mo ko lagi pero dahil wala akong buhay, wala na rin siguro akong pakiramdam
Gusto kong maging maayos ang sitwasyon mo, pero kita mo naman, kahit sarili ko di ko maayos
Hindi ko alam kung may mga dahilan pa para mahalin mo ko, nawawalan na rin kase ako ng tiwala sa mga oras na magiging akin ulet ang bawat pagkakataon para mapasaya ka
Mahal kita, mas mahal kita kesa sa kahit anong bagay sa mundo
Alam kong mahal mo rin ako pero hindi ko kaya yung nahihirapan ka dahil sa kin
Hayaan mo muna ako
Isipin mo na lang na pumunta ako sa isang lugar na bawal ang kahit anong komunikasyon
Hindi ko na rin hihilingin na hintayin mo ko
Kung sakaling magmahal ka ulet, hayaan mo ang sarili mong maging masaya kahit wala ako.
Hindi ko sinasabing madaling umalis, pero mas mahirap yung manatili at magpatuloy na ganito hanggang sa mawala na lahat pati ng tiwala ko sa sarili ko.
Hayaan mo muna akong gamitin ang natitirang angas sa ‘kin
Kung sakaling di ko makuha ang panahong maging akin ka ulet, masaya na rin akong naging masaya tayo noon.
Noong tinawid ko ang lahat, mayakap ka lang kahit ilang saglit.
Minsan talaga madaya ang panahon, kahit anong gawin mo, kung ayaw nya ibigay yung gusto mo, wala ka magagawa.
Pagkatapos nito iiyak ako, umiiyak ako habang sinusulat to, ibubuhos ko na lahat ng luha para sa susunod wala na.
Sorry, ginawa ko na ang lahat para maging masaya ka, para makasama ka, hindi pala sapat lahat ng kaya ko.
Ingatan mo ang sarili mo lagi kahit wala na ko.
Mahal pa rin kita.





Ano ‘to? ):