Hindi ako mahilig sa tattoo. Noong nag aaral pa ako or kahit sa trabaho, ayoko ng sinusulatan yung kamay ko, maarte din naman ako minsan. Pero kanina, nagstart ako magdrawing ng smileys sa daliri ng kamay ko, tapos naalala ko mahilig nga pala ako mag lettering noon. Umaandar ang creative side ng kamay ko, ni-lettering ko yung pangalan ng mahal ko, tapos may puso pa sa dulo ng hinlalaki at maliliit na smilyes sa bawat daliri, isispin mo na lang na puno ng tinta yung kamay ko. Naisip ko kase papakita ko sa kanya kinagabihan.
Habang kumakain kami iniingatan ko na di mabasa yung kamay ko, at obyusli di ko hinugasan yung kaliwang kamay kase baka mabura yung ink, di pa nakikita ng mahal ko. 8pm, nag pm sya na kakaalis nya lang ng bahay nila, may pupuntahan sila nung kaibigan nya kaya hintay lang ako.
9:30pm, wala pa rin, pero nagtext naman siya na napagkasunduan daw nila manood ng Transformers 3, oh syet, aayain ko pa naman sana manood nun pag nagkita kami, hayyyys
11pm, wala pa rin sya, baka di pa tapos ang movie
Ngayon, 12:21am na, mabubura na ng pawis yung ink sa kamay ko at ang dumi na nyang tingnan.
Oo na, failed. Ayoko na ulet sulatan yung kamay ko. Ayoko na ng tattoo o kahit anong ink sa balat.

About Leemi

h'wag mo 'kong masyadong kilalanin, baka maadik ka sa 'kin!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s