There are so many things that come to me when I am alone, especially now that I am unemployed.
Syet!! Umeenglish na!
Pero seryoso.
 …lalo na kapag di ako makatulog sa gabi. Kahit sa kalagitnaan ng panonood ng porn movies, pumapasok pa rin yung reality na, makatulog man ako mamaya at magising bukas, pinapaalala pa rin ng reyalidad na wala akong trabaho. Oh syet!
Kung pinoproblema nila na wala akong trabaho, aba naman eh mas malaking problema sa kin yun ano! Habang nauubos ang oras ko sa paghihintay, nauubos din ang self-esteem ko huhuhu, mahirap pala tumambay.
Noon nabubuhay ako kahit tatlo hanggang limang oras lang na tulog, nabubuhay ako kahit halos apat na oras ang byahe pauwi at papasok sa trabaho, nabubuhay ako sa pagsuporta sa pagpapayaman ng ibang tao. Noon yun.
Ngayon, akin ang lahat ng oras sa mundo, hindi Philippine time ang sinusunod ko sa paggising at pagtulog, may sarili akong oras at gigising ako kung kelan magsawa ang mata ko sa pagpikit at mag-init ang likod ko sa paghiga. Pero kung akala nyo na masaya yun, malaking ohhh NO!
Noong araw na halos kuba na ko sa kakatrabaho, pangarap ko ang isang taong pagtambay, ito na siguro yun.
Noong araw na nasusuportahan ko ang buong pamilya pati na ang mga kapatid kong may pamilya, parang ako lagi ang bida, ngayong ako ang walang kita, di na nila ako kilala. Taragis na buhay to!
Hindi masarap tumambay, pero watodo? Masipag naman ako mag-apply, kaso tamad silang i-hire ako.
“sa susunod na employed na ko, sana ako na rin ang boss, gagawin kong business ang page na ‘to! Charos!!

About Leemi

h'wag mo 'kong masyadong kilalanin, baka maadik ka sa 'kin!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s