Minsan ang daming tumatakbo sa isip ko, ang dami kong gusto isulat, pero naisip ko rin lately hindi balance yung nutrition ng utak ko, minsan masama ang nasa loob ng emotions ko, at kapag nasimulan ko na magsulat, puro reklamo, dalamhati, lungkot lang ang pumupuno ng bawat linya. Kalimitan di ko na lang yun pinopost, ayoko ng ganung tema sa ngayon, nakakahawa kase ang bad vibes.
Yun na rin siguro ang main reason bakit di ako nakasali sa kontest ni kulisap, bukod sa umuwi ako sa isla nung miyerkules kasama yung back-up ni Chief, akala ko hanggang byernes yung submission, yun pala hanggang kinabukasan lang nun. Kung sasali siguro ako dun, pipigain ko pa yung utak ko para magkasya ang 16words na gusto nyang kasama. O kaya mapuno ko man ng words yung entry ko, isa o dalawa lang o baka wala pang makasama sa mga words na yun. Pasensya na ‘lo, sana di ka magsawang magpakontes, at Congrats sa’yo sa dami ng sumali. Congratulations din sa lahat ng mga sumali. Binabasa ko isa isa yung mga entry nyo, at ang gaganda.
Hindi naman nawawala yung bawat idea, pero minsan may mga bagay na gusto mo ring sarilinin muna. Hindi rin puro saya, minsan sa akala mong okay na lahat, magigising ka na lang isang araw pinatikim at pinaasa ka lang pala.





ate , ako rin hnd nakasali kasi emo ako at ayoko ako ng mga panahon n iyon. hahhaha. nakakhawa taaga
Ganyan din ako Leemi, sinasarili ang kalungkutan, pinapayagpag ang kaligayahan. What is the sound of a broken heart? Silence is the sound of a broken heart. Hayaan mo, dadating din ang panahon na masasabi mo yan.
As usual, nagpauto kami kay Jakul
mahirap talaga pag daga ang kalaban sa karera, pero mas mahirap mag amoy daga or mag-mukhang daga..
dinadaga lang ako minsan, pero naka full battle gear to =)
madami din akong gustong ikuwento.
saka na lang
ulet
relax
hindi din ako makapagsulat pero hindi dahil sa bad vibes…
…kundi LAZY vibes.
Waling lee mi namiss kita. Di bale relax ka muna dyan at I think maganda din yang mga times of refreshing.
Be blessed!
Nasa taas yung nanalo sa KM2. Hi pong!
Hindi kailangang isa-titik lahat ng emosyon. Sadyang may nakalaang panahon para sa lahat ng bagay. Masaya ako na nagsusulat ka na ulit dito sa page ninyo ni Michael. Tama ba ako? Narito ka na ulit sa Pinas?
Ingat lagi, Lee mi. Magandang araw-araw araw!
At least nakatikim.
O siyempre naman, naglilibot na ako. Alam mo namang nakatutok 24 oras ang panahon ko sa KM.
Hindi bale, alam kong isa ka sa nagmamahal sa KM.
Kamusta na ‘ga?