Kakauwi lang namin ni mic mula sa panonood ng talentadong pinoy sa skydome sa north edsa, di ko alam na may skydome na pala dun at di ko rin akalain na makakapanood ako ng talent show after dumalaw kay utol sa fairview. Nagpapagaling kase si utol after sya maaksidente sa motorsiklo. At hindi ko naman hilig manood ng talent show or wala talaga ako gana ngumiti lately sa dami ng pasakit na dumarating sa life ko ngayon, pero dahil mapilit si mic na makita si ryan agoncillo, ayun pumila kami ng halos 30mins para makapasok sa taping. Si mic naman masaya na nakapanood, kahit di namin natapos kase gabi na at papagalitan na kami sa bahay kapag nagtagal pa kami dun. Bago umuwi nagpabili pa sya ng choco cream chip sa starbucks, adik na batang to, kahit adik ako sa kape, ngayon lang ako bumili ng ganun kamahal. Hanggang 3n1 lang ako or alicafe sa bahay.

Marami magtataka kase nandito na naman ako sa Pinas. Hayyys!! mahabang kwento at kung ikukwento ko dito baka magkaiyakan lang tayo kaya pass na muna. Halos di ko na keri much if may mga susunod pa, nakakaiyak if iisipin ko pa isa isa. Hays!!! Here i am in the middle of my active career life, putragis na after ng nakakapagud na pakikipaghabulan sa metro sa umaga at pakikipag unahan sa pawis na tutulo sa kilikili ko every night sa sobrang init sa disyerto, ito! Ito ang nangyari. Life is definitely not easy. Well, hindi naman talaga naging madali para sa kin kahit kelan. I always have to work hard, always have to do more, to give more, to adjust for others, pucha nauubos na ang energy ko na pati cityville ko di ko na rin nalalaro! Nakakabuang na nakakasaid ng savings ang ganitong life kala nyo! Hirapbuhay<<tantanan mo na ‘ko :(

Nakakainis pa kase yung akala mong mga kamag anak mong makakatulong sa’yo,… Sila pa ang kontra-bulate sa lifestory ko. Pakshet na akala yata eh namamasyal lang ako? hindi madaling mabuhay sa disyerto lalo na sa panahong to uy!!

Ito ang rants ng buhay ko ngayon. Bakit kase minsan, kahit anong gawin mo makasama mo lang ang mahal mo sa buhay, laging wala pa ring nangyayari. Parang panonood ng porn mag-isa, kung walang sariling sikap wala rin.. Syet!

About Leemi

h'wag mo 'kong masyadong kilalanin, baka maadik ka sa 'kin!!

5 Responses »

  1. Yvarro says:

    hehehe.. minsan invite kitang magkape.. SAGOT KO!!!

    lekwat.. 3-in! lang pala katapat mo…

    hehehe.. :-D

  2. salbehe says:

    Nasa Pinas ka na pala uli. Mukhang may kwento, abangan ko ito.

  3. aninipot says:

    aw! hug na lang kita ate Ro. saka na ang kwento pag ready ka na :)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s