Gusto kong ikwento ang lahat ng nasa isip ko ngayon mula ng dumating ako sa dito sa kabilang dako ng disyerto. Mahaba habang usapan kung iisa isahin ko pa ang proseso pero isa lang ang main purpose nito >> syempre para mas kumeso! ahihi!!
Pagkatapos ng one hundred seventy-seven days sa Pilipinas kong Mahal, pagkatapos ng fifty-seven days na kami lang ni mic ang nagbobolahan sa lasa ng niluto ko, pagkatapos ng ilang oras na byahe papunta sa disyerto, pagkatapos ng ilang araw na paghahanap ng trabaho, pagkatapos ng ilang byernes, metro date, tampuhan, late na hapunan, pagkatapos ng ilang umagang hindi si mic ang kisser ko.. matatapos na rin yata ang araw ko dito.. wahhh!!!
Nakakalungkot if idadaan ko na naman sa drama rama ng buhay ko ‘to kaya sa lighter side na lang. Down ang system ng emotions ko ngayon pero wala na ko time para mag emo, pass ako sa pagbili ng blade sa may kanto at lalong di ko sasayangin ang anim na araw na para kumeso.
Alam ng lahat ng nagbabasa rito na halos puro lovelines ang nasa post ko, namumula sa pagkakilig at oo na, ako na ang in-love, pero saloob ng Love and Life, hindi puro ngiti lang, hindi puro saya, may mga struggle din syempre, maraming tampuhan, may luha minsan, may hang ons and let gos, may forgiveness, may patience, at maraming paghihintay para maging mas matibay.
Gaano nga pala ako katibay? Sa totooo lang kahit lagi akong may baong extra line of cheesyness, may mga pagkakataon din naman na laging nasa opposite track pala yung easy life, para akong nakasalungat sa daloy ng agos, katulad ng pagbaba ko sa going up na escalator, hindi laging madali. Noon, lagi ko naiisip, siguro one day may isang king na darating at iki-claim na ako yung nawawalang princess sa isang palasyo, or may isang mayamang tao na kukuhanin ako sa madramang life na ‘to. Pero syempre imagination ko lang yun, alam ko pa rin ang reality. And reality hurts me now
(nosebleed)
Minsan, may pagkakataong pala na kahit ginawa mo na lahat para makasama ang taong mahal na mahal mo, yung halos maubos na lahat ng lakas at pinagsikapan mo, yung tipong sadsad ka na halos di ka makahinga sa kung anu-anong bagay na pumapasok sa isip mo, wala pa ring linaw kung ano bang mangyayari. Ito yung time na Diyos lang nakakaalam sa susunod. S’ya lang ang pinakamatibay na sandalan mo at ang emosyung pinaghahawakan mo na mahal ka rin ng taong pinaglalaban mo. (oo na, pang-telenobela talaga ang buhay ko!)
Alam kong di ako lagi tumatawag sa’Yo, nauubos na ang enery ko pagdalaw man lang sa bahay Mo, pero this chance means a lot.. I pray to GOD for this one shot, dahil dito ako masaya talaga..
…yung kasama S’YA kahit sa mainit na umaga.





ibabalik ko ang hugs na lge mo binibigay lee… *hugs* :’>
Thanks Dee, di talaga lagi ako yung may energy
Yiiihaaa!!! Yun o!
hala, parang sad ung kwento ko dito Sir Bong tapos kinilig ka sa keso =))
wag ka malungkot…isang mahigpit ng hug para sayo pag nanjan na ako nsa kabilang dulo ako ng dsyrto ngayon stambay ka lng jan uupuan natin yan xD…
keep smiling!
Salamat Ate Anne, sana magkita tau soon, ang dami kong isusumbong sau
grabe magkasunod kong binasa ang latest posts nyo at parehong makesong makeso! kayo na ang inlab! haha!
Ahahah momie Kaye, sinong “kayo”? ikaw na ang malakas ang radar =)) miss you po. :-*
malakas talaga ang radar ko anuver! hindi lang nga ako nagkoment sa post niya pero yun na yun! hahaha! I hope you are doing well there. Hang on. there will always be ups and downs. Life wouldn’t be complete without them di ba. tsaka masarap yung making up part.
sana momie okay na lahat sa sunod.. ang dami ko ng nasalong dagok mula pa nung last quarter ng 2010.. i need goodvibes ngayon 2nd half of the year
kahit naman laging ups and down ang buhay natin, we still find it as something to hold and to cherish.
take care, lee mi!
ingat kayo lagi ni chief!
oo naman kuya.. kahit anong shit ang meron sa life.. meron pa ring reason ako para mas maging positive…
Yieeeee.
“may luha minsan, may hang ons and let gos, may forgiveness, may patience…”
Mayroon din pagkairita. Hahaha! Ikaw na, its you already!
yeah its me huhuhu!! ang hirap din minsan pala