Happy Valentine’s Ate Mina mmwahhh..
Yan ang gumising sa kin kaninang umaga, wala akong iniexpect sa araw na to, Monday, February 14, 2011. Alam kong Valentine’s Day pero dahil since birth wala akong date kapag ganitong araw kaya sanayan lang yan. Walang lungkot or expectation or kung ano man.
Pero dahil mana sa kin na malambing at cute ang pinakamakulit na bata sa Earth, ayan yakap at kiss ang gising ko
_______________________. . (-_-)
Ilang lingo na ako ang yaya nya, nagbakasyon si Ate Ining at sa mga hindi nakakaalam na alipin ako noon bago ako naging prinsesa, marunong din naman ako maglinis noh! Luto, laba plantsa, hindi ako masipag pero hindi naman ako ganun katamad, ayun lang dahil ilang taon akong tamad, ang daming palpak.. kawawa ang malasutla kong kamay na nasugat sa paglalaba, ung balat kong ilang beses napaso at naluto sa tumatalsik na mantika, yung sakong kong naninigas sa paglalakad sa pagsundo kay Mic at alam kong kaartehan lang ang iba dun pero ngayon lang ako nakaranas maging full time maid na walang sweldo.
Pero sa lahat ng pagud na yun, after ko matapos isampay lahat ng nilabhan ko, kapag pinagmamasdan ko yung patas ng damit na pinlantsa ko, gaano man kadami ang pawis na tumulo sa mukha at kili kili ko, kapag nakakahinga ako ng maluwag pagkatapos ko linisin ang bahay mula rooftop hanggang banyo, kapag nauubos nila ang pagkaing hinanda ko, kakaiba yung feeling na Masaya. Pagkatapos ng lahat ng pagud kapag alam mong may naghihintay sa’yo pag uwi sa gabi kahit nasa kabilang mukha ng mundo, hayyysarap!! Naisip ko rin, sa dami kong busy noon, ngayon lang ako naging ganito sa bahay, iba pala kapag mahal mo yung pinagsisilbihan mo, mas fulfilling.
Anytime ngayong linggong to babalik na si Ate Ining, buhay prinsesita na naman ang lola nyo (lolz). Sa mahigit isang buwan na yun, marami man akong sugat na natamo, baso at platong nabasag, nasunog na pagkain, marami rin ang pasensyang natutunan. Ready na kong mag alaga ng mas malaking baby sa susunod :”>








Nakakarelate ako! Hahahaha! Ang dami dami kong palpak na kwentong gawaing bahay hindi ko alam kung papano sisimulan. Bullet na lang.
1. Nakasira ako ng rice cooker. Mula noon, hindi na ako pinag-saing.
2. Nasira ko ang damit ni Mamita noong pinagplantsa nya ako. Mula noon hindi na nya ako inutusan magplantsa.
3. Nasira ko ang takure nung minsan pinagpakulo ako ng tubig… pero nakalimutan kong lagyan ng tubig ang takure. Kaya sa tagal nang nakasalang ang takureng walang lamang tubig, natunaw ang handle ng takure. Mula noon, ulitimo pag-init ng tubig hindi na ako nautusan.
4. Laba? Nasusugat ang kamay ko sa paglalaba. Sensitive much!
5. May allegy ako sa paglilinis ng banyo.
BUHAY PRINSESA! Hahahahaha!
Valantines special post pala ito kung ano ano ang sinabi ko. Belated Happy Valentines Leemi! Ang sweet ni Michael, pwede bang ampunin na yan? Hehe!
ang daming palpak talaga sa una,
1. paano ka kumakain ngayon? di ba mag isa ka lang sa bahay mo? or meron kang maid para sa lahat ng pagluluto? unhealthy kase kapag sa restaurant lagi kakain, bukod sa mahal pa.
2. pano ang mga uniform mo pagpasok sa office? gusot or may tagaplantsa ka rin? ako kase kahit panty pinaplantsa ko
3. boplaks ako sa pagluluto kahit ng simpleng nilagang itlog, wala akong koment para dito.
4. okay lang sa kin maglaba, kaso kahit anong sabon talaga laging may remembrance na sugat sa kamay ko.. okay hire tayo ng washing machine.
5. ayoko ng hindi malinis na banyo, siguro sa lahat ng chores, ayoko gawin lahat talaga pero di baleng madumi ang buong bahay, wag lang ang banyo.
back to normal na ang leisure life ko sa thursday..haysarap
Belated Happy Valentines din Salbe, sweet si mic kase sweet ako lolz!!!
Ako ren since birth eh walang date sa Valentine’s. Ang saken naman, mas masarap alalahanin na ang totoong simula ng Valentine’s eh gimik ng greeting card companies. Kaya mga uto uto silang lahat. Teka, halata ba ang kabiteran ko? Hihi.
Napapansin ng mga kaibigan ko na makinis ang kamay ko. Kase hindi ako naglalaba, naghuhugas ng pinggan, o kung anek anek. Ngayon challenge saken pag mabubuhay na ko mag isa. Ayoko maging alipin! Haha.
Mag hire ka kaya ng katulong for a day? Haha. Kesa naman ikaw natatalsikan ng mantika. Mahal kaya magpa derma. Bwahahaha.
oo vajee, sayang ang malasutla kong balat, shetnes talaga, ung isa nga sapol pa sa malulusog kong future taragis talaga!
pero di bale, last na siguro to, sa sunod mag aasawa na ko, si Chief na lang ang magluluto ahihihi..
walang papayag na 1day katulong, ung 1month katulong nga hirapan ako humanap ayun sarili ko tuloy nakita ko, hindi madali magwork lalo na sa bahay, nakakalosyang talaga, ultimate challenge at goodluck sa lahat ng balak magpamilya.. shet, parang naiimagine ko na
best valentines ever?
mukha ngang ready ka nang mag-alaga ng mas malaking baby ah? i hope na magpaampon na siya sa’yo. wahahaha!!!
happy valentines. late pero since valentines naman lagi sa pusong mapagmahal, hindi rin ako late. so kamusta? walang bago sa akin kung ako naman ang tatanungin mo.hehehe!
alam mo bang bumaha ng chocolate dito sa work? oo… umapaw yung holding tank ng chocolate dahil nasira yung level sensor. my funny valentine. nakalubog ang paa ko sa chocolate habang nag papalit ng sensor.my funny valentines!
wow, eh di pwede sanag kainin yung chocolate, paa flavor ahahhaha, funny valentine.
ready na ko mag alaga ng mas malaking baby, ipagluluto, ipaglalaba, ipagpaplantsa, papaliguan.. maid talaga ang dakilang character ko ngayon pero di bale, kahit poreber akong maid kung para sa mahal ko.. ayiihhhh
sweet naman ni Mic bka naman pwede na visahan yan ahahha kahit taga gising at tagayakap lng ok na =)
ako marunong ako sa bahay si nanay kasi di ako tinantanan tinuruan nya tlga ako pati pagtitiklop ng damit, plantsa, laba, luto ultimo pagkuskos ng CR sabi nya kc sakin noon pag ako daw sinoli ng magiging asawa ko di nya raw ko tatanggapin ulit wag na wag lng tlga akong tatamarin dahil pag tinamad ako lahat ng alam ko at marunong ako nagiging HINDI KO ALAM AT HINDI AKO MARUNONG ahahahaha
sweet talaga yun Ate, gusto nya nga sumama sa kin kaso sabi nya walang kasama si Papa dito sa bahay kaya paglaki na lang daw nya
marunong naman ako lahat ng gawain dito, lumaki ako kay madam Lola na halos maiinom na ung pinagbanlawan kapag naglalaba ahahha, sa pagluluto lang medyo sablay pero pag nandito na si ate ining, ayun nakakatamad na at di ko na alam lahat ng gawaing bahay
kunsintidor din kase yun
..
Ate! Musta? Ba’t ganun protected yung site mu. Tapos hiningi pa yung password ko. Di nman gumana,huhu=(
Tapos di ku makita yung name ku dun sa mga listahan sa gilid ng blog site mu.huhu talaga. as in huhu=(
naalala ko tuloy nung mga panahong nahayaan akong magisa sa bahay ng mudrakels ko. pagdating nya, 3 basong basag, 2 platong may malalaking pingas sa gilid, nanunuot sa kalamnan na sunog na kanin.. at tocino na naging dinuguan ang hitsura, sa lasa? ahmmm next question please. pero nuon yan hihihi.. mayabang ako kaya sasabihin kong 95% marunong na ko sa lahat, ung nga lang ang hindi ko natutunan eh maging madalas ang pagiging masipag ahihihi..
ayun.. nakidaan lang at nakifeeling close…
nadapa here from somewhere out there and nakijepaloids mongoloids.. hanggang sa muli.. toinks!
salamat sa pagdaan
kailangan kaseng matutunan lahat yun, wala ring gagawa kase nun kapag napunta tayo sa malayo, ayun walang aasahan, sabi din kapag nagpamilya daw.. ahihi, sana lang di ako isoli ni chief =))))
wehEheHe.. NatAwa aKo sA post na Toh pRaMiS! hEhHe.. JuSt moVed tO a New hOusE.. aNd hiNdi kO tRip aNg pAgiGinG maSinoP nG houSemAte kO.. hEhehHE..
Nag k ConFliCt kAme, kAse gUstO niYang nAkiKitAng fiXed LahAt nG gaMiT..
SabI kO:
HaLeEr?! si EsmiNa aNg hoUsemAte mO! *kaWawA siYa kaSe hiNdi LanG tuBig aT biGas anG conSumabLes sA miN.. paTi yUnG mga RicE coOker.. aT uNg pLantSa… guD foR thReE uSe…
maTipId nAman akO sa TuBig.. hiNd ako madaLas maGbuhOs nG toiLet paGkaTapoS maG wiWee.. iniS laNg niYa paG naNgaNgamoY uNg baNyo.. :-
D hEk…
belated happy balentayns ate mina
ang daming ebidensya ng sipag kung gay-on..at si mic ahem walang duda na sau nga sya nag mana ha!ha!ha! konte na lang magkamukha na kayo..
mas malaking baby na ung target oh
)
always happy valentines ako
mana si mic sa kin, pareho kaming cute ahahhahahha
malaking baby na mejo sakitin, katulad kong lagi nagugutom sa ahmm.. you know.. at basta.. masaya alagaan yun
piktyuran talaga yung basong basag hahaha. ‘te romina musta na!!! pibalentayms!!!!
asan bagong pic ni michael?
XD
walang kunek pero kapag nakakakita ako ng basong basag, paranormal activity ang naiisip ko eh
minsan kasi naghuhugas ako ng plato bigla na lang nalaglag yun baso tapos nabasag at nagka-crack ng pinong pino. that was the 40th day na namatay yun tito ko.
valentines + horror story hehe
ang sweet naman ni michael
happy valentines… hindi naman ako late noh kasi lagi naman valentines ang labislayp mo
happy V-day waling lee mi.
xD
hindi ako naglalaba at namamalantsa. pero kung kinakailangan…ewan, iuupa ko na lang ng maglalaba at mamamalantsa. hahahaha!
pero paglutuin mo ako kahit 3 times a day, ok lang sa akin. medyo buhay prinsesa rin ako nung di pa nagaasaw dahil lagi kaming mag kasambahay. Pero pag nagasawa ka na talaga yata, kahit di mo gusto mapipilitan kang gawin ang mga bagay bagay. buti na lang si daddy bong, hindi naman niya ako pinababayaan. kesa ako ang maglinis, mas gugustuhin niyang hindi ako mapagod dun. mas gusto niyang magluto na lang ako. hahahaha!
pero magandang training ang ginawa mo sa mahigit isang buwang iyan. pwede ka na talagang magasawa at magkaanak. kaya lang, pano? ang layo nyo sa isa’t isa eh. hihi!
Belated!Happy Balentayms Bok! Ang sweet nman ni mahal na pamangkin.
Bang klase mahal na araw na ako nakabati sa’yo. Better late than absent ika nga. Hehe
Musta ka na Bok?
Ingat lage! Miss u! =p