With each passing day
You’ve come so far
Don’t throw it away
Naalala ko yung camping natin sa school noong highschool sa kantang ‘to. After kase ng bawat jamboree, bago mag pack up, gumagwa tayo ng isang malaking bilog na magkakahawak kamay, mula first year hanggang fourth year, halos isang football field na magkakahawak kamay nating kinakanta yan. Yung iba maiyak iyak pa sa pagkanta kase pagkatapos ng bawat pagud sa hiking, camping, puyat sa vigil, at kung ano ano pang activity, sa susunod na ulet na taon na tayo magkakasama sama na ganun kasaya. Yung mga nasa fourth year mas madrama kase last year na nilang experience yun, yung magkakasama tayo sa tent, sabay sabay kakain, magluluto, magkakatabi matulog, (hindi tayo natutulog kase umaga na pala nagkukwentuhan pa tayo), maglalabasan ng sama ng loob at kalimitan sa ganitong time nagkakabati ang mga magkaka away sa klase noon.
Souls in the windMust learn how to bend
Seek out a star
Hold on to the end..
Punong puno tayo noon ng mga pangarap, yung iba ang daming plano na after five years ganito na sila, may pamilya na yung iba at stable na. Yung iba nangarap mag abroad, maging business man, maging titser at lahat pangarap na maging maayos ang buhay… sino bang nangarap na maging mahirap at pumalpak?
When we are out there in the darkWe’ll dream about the sun
In the dark we’ll feel the light..
Ngayon halos sampong taon na ang lumipas, kamusta na tayo? Naliligaw pa rin ba kayo sa Recto katulad ko? Single pa rin ba kayo? Ilang bote ng beer na ang kaya nyong patumbahin ngayon? Mauulit kaya natin ang umakyat sa punta (malaking bato) noon? Kapag bumalik ka ba sa school natin noon, maninibago ka rin bang hindi na kasing saya ang paligid katulad noong tayo ang high school? Noong tayo ang bida sa canteen kapag recess, tayo ang pambato kapag may mga pakontes, tayo ang manlalaro kapag may intersection, tayo ang actor at actress kapag may play, dancer kapag graduation, tindera sa canteen kapag tanghali, lead kapag flag ceremony, noong exercise pa natin ang 5,6,7,8 ng Steps, si Shane pa lang ang may cellphone, in ang slambuk, crush ko pa si Scott Moffatt…
Words are swaying
Someone is praying
Please let us come home to stay..
Ang dami na ring nabago, hindi na ako ang crush mo, may asawa na ang dating nanliligaw sa’yo, sexy pa ko noon at totoong 24inches pa ang bewang ko sa dressmaking natin, at naaalala ko noon kapag nagkokopyahan tayo sa exams, ang makunat kopyahang si Gemma, ang mabait at nagpapakopyang valedictorian, si Pam, ang maganda at laging muse na si Devine, ang mga hirit ni Bado (may his soul be in peace), ang bawat crush ni Farren, ang lahat ng kalokohan natin sa boarding haus ni Ser Evans, ang bawat takas na gala noon kay Madam, ang bawat outing at maulang paglalakad natin sa Ligtasan, ang Uranggutan family..
Asan na kaya kayo ngayon? Ako kase nandito pa rin, nangangarap pa rin.. na sana paglaki ko…
If we hold on together I know our dreams will never die..
______________________
| Written by | If We Hold On Together
Diana Ross |
| Sung by | Diana Ross Aria Noelle Curzon Anndi McAfee |
| Music by | |
| Released | November 18, 1988 (United States; on The Land Before Time) 1991 (United States; on The Force Behind the Power) |






Awww! Reminiscence…Naalala ko ang kantang iyan OST ng cartoon movie…
musta na din kaya ang mga tropa ko noon?
hala Jag, Spam ang koment mo
OST yan sa Land Before Time, cartoons noon na nakakaiyak, ang tagal na pala nung noon.. parang kelan lang..
pag naririnig ko din yang song na yan may bumabalik na memory sa akin nung childhood days ko… kinanta din namin kasi yan nung grade 1 ata kami… wala lang, nakakamiss lang…
nakakamiss yung noon, nung mga inosente de ti pa tayo, ang sarap lang balikan, parang kelan lang..
memory lane…
bakit nga ba walang traffic ang landas pabalik sa’yo?
hindi katulad ng daang tinatahak ko ngayon
oatungo sana sa bukas.
laging may sagabal, laging siksikan.
laging usad pagong saan man dumaan.
memory lane…
padagdag ng padagdag ang iyong kahabaan
habang tinutunton ko ang aking kamatayan.
aww naman kuya duking.. wag naman kamatayan agad..
okay lang na tahakin natin yung daan ngayon para sa mas masayang susunod na panahon, kasama man dun ang kamatayan, at least hindi yun ang ating goal..
[...] through to forever -(Leemi) Habang binabasa ko to, parang nandon ako mismo sa kwento. Nakakadala. Kung pwede nga lang sana paulit-ulit na bumalik sa noon… [...]
Punong puno ng pangarap. Noong HS, gusto kong maging System Analyst, ngayon ay Data Analyst na ako. KOnti na lang matutupad na ang pangarap ko. =)
Yung karas ko, nakita ko sa peysbuk, may anak na at panget na asawa. Kesaklap.
isa lang natatandaan ko noon everytime na tanungin ako kung ano gusto ko paglaki ko, gusto kong maging titser, ngayon nakukunsumi ako kahit si michael lang ang tinuturuan ko.. mas magastos kase iba ang nagto-tutor sa kanya..
ung crush ko rin nung highschool, nakita ko rin sa peysbuk, single pa rin pero hindi na yummy =))
hay tlga ka nmn kay sarap balikan at tlgang tandang-tanda mo pa mina ang bawat storya ha….
nasa memory lane pa ko dype.. mas okay na sinusulat ko yun ngayon para kapag nag ulyanin na ko may blog ako na babalikan.. baka sakaling dahil dito maaalala ko pa ulet pati yung pagkokopyahan natin sa economics ni Sir Alcantara ahahhahah, seat mate tayo sa room ng Tanguile noon di ba?
sobrang nakakamiss yun anu??tandang tanda ko pa din yun pananhi mo ng project ko sa the di kase ako marunong mag operate ng makina hehehe..yung mga tipong malakas ang ulan at sabay sabay tyong umuuwi..yung around the island natin..hehehe..kakamiss
naalala ko pala noon, may project tayong extension ng color sa PHEM, iginawa ko ng project si Gemma, ako ng extend nung colors ng sunset pic nya.. at ang adik na mas mataas pa yung grade ng project nya kesa sa kin.. saklap! =))
grad song namin yan nung elem waling lee mi
yan din yung song nung mga tumiwalag sa gabinete ni GMA
and i believe san man kayo napadpad hawak kamay pa rin kayo
masarap balikan ang mga noon, may ngiting guhit sa labi panigurado.
be blessed waling lee mi!
we are all a blessing kuya pong.. dumarami na ang listahan ng memory ko, pero maganda pa rin na naalala ko pa yun lahat paminsan minsan.. masaya mag lookback kung di tayo mabubuhay sa nakalipas.. look back lang.. parang comparison ng noon at ngayon.. today is a gift.. its always a present
mahaba na ang mamemory lane, pero inde trapik
di gaya ng gusto mong gawing memory.. stranded..nasa cliff..
pero sa bawat pag-usad ng memorya sa edsa..
dahan dahan ka rin makakarating..
inde kailangang mainip, inde kailangang mag-madali..
dahil masarap lumingon..
sabay ngiti sa tinatahak na panahon..
at anong pinagsasabi ko dito
nagugutom lang ako ahahaha
nakangiti din ako sa pagbabasa ng reply mo, bakit kaya? ahmm yung ginagawa ko kaseng memory ngayon may inspirasyon, kahit saang dulo ng mundo, kahit sa pagtulog, susundan ko ang chief ng buhay ko
naiyak ako kunti dito sa opis habang binabasa to…namiss ko yung mga kaibigan ko nung hayskul! ako rin kakanta ”san na nga ba? san na nga bang barkada ngayon?…”
maganda
salamat. nagsenti sabado ako, at binasa ko ulet pagkabasa ng koment mo, parang ang mga di nakaranas mag high school lang ang di makakarelate sa sayang bumalik sa simpleng noon.. haysarap..
oo nga eh…ang laki laki na kasi nang mundo ngayon hehehe
kakamiss balikan yung dati nung simple lang lahat. wala pang rebonding but you don’t worry kahit na ang buhaghag ng buhok mo kasi lahat naman ganun din. hehe. o kahit patpatin ka kasi lahat naman halos patpatin din. ngayon madami na kompetisyon. parang ang hirap sumabay. madami ng stress sa paligid. nakakaloka.
ganda naman ng song. very meaningful nung lyrics.
miss you, leemi. kamusta ka na? sa pinas ka pa ba ngayon o balik na sa UAE?
Ang sarap talagang balikan ng nakaraan.
Lalo na ang mga kumiliti ng batang puso.
Lalo na ang mga kaibigang kasama sa tuwa, halakhak at kalokohan.
sHaCkS! naKakAtaTs naMan toNg pOst nA iTuh?!! hAHahaHA!! pArAng nAiImagiNe ko si diAna RosS sa giTna nG jAMbo Ree niYo.. kUmakANta siYa sA giLid haBang nAgLuLuTo kaYu.. tApoS nAsA rEcto.. kAtabi nG mgA guMagaWa nG fAke nA iDs.. WeiRd..