Makulit, malambing, pogi daw sya, maldito, bratt, matalino, mautak, madiskarte, at ang hilig nya sa wrestling kahit ilang beses kong sabihin sa kanya na scripted yun.

S’ya si Michael, ang paborito kong pinsan. Obyus naman na ang lakas nya sa kin kase pati blog ko na to nakapangalan sa kanya. Sinabi ko na rin sa kanya na kapag lumaki s’ya gusto ko nagbablog din sya.. ahahah!!, sa halip na pakuhanin ko sya ng kung ano anong kursong de kalibre eh blogging ang pinapagawa ko. Eh kase naman gusto ko maenhance ang emotional side ng pagiging mature nya. Pansin ko kase maraming tao ngayon ang busy sa araw araw na buhay, yung ibang bagay di na napapansin, pero kapag nagsusulat ka kahit once a month, may mga bagay na maiisip mo na masarap balikan at isulat, at ayun nahahasa yung  isang side ng brain natin para balikan yung bawat emotions na nakita natin sa  isang particular na bagay o pangyayari. At ang dami ko pang paliwanag, sasabihin ko lang naman na natutuwa ako kay mic..

Eight years old na sya ngayon, grade three, best in math (ehem, mana sa ate :-P )

Mahilig sya makiaalam ng mobile, dun sya nagdodrawing ng kung ano ano, minsan dun nya rin sinusulat yung mga panlalait nya sa mga kalaro, sampol?

hearty praktis

makabayan, maka-Ate! :)

araw, bundok, bura, bura ulet, channel1, scratch, boat, bura, burara

minsan naman puro picture sya ng sarili nya, paa, mukha, kamay, sapatos, bag, laruan, sana paglaki nya artist sya :)

mic, clay me, suicide wrestler

mukhang makulit

Ngayon ayaw ng gumana ng ilang application ng mobile ko, ayaw na ring magcharge :( mahirap talaga kapag naging mabait na ate..

miguelito

..pero kapag alam nya na may kasalanan sya, di sya titigil hanggang nya ko naki-kiss :D , ang sweet!

sya si michael.

About Leemi

h'wag mo 'kong masyadong kilalanin, baka maadik ka sa 'kin!!

12 Responses »

  1. Vajarl says:

    Mukha nga syang makulet. At mukhang pag nakita ko yan eh mapapalo ko sya. Hahaha.

  2. salbehe says:

    Alam mo bang noong hindi ka pa namin na-me-meet, pinag-uusapan namin na anak mo talaga si Michael at tinatago mo lang na pinsan mo? Ako na ang chismosa! Bohahahaha!

    • Leemi says:

      alam ko naman na iniisip talaga ng halos lahat yun, tsaka din ko rin sila kinokorekt, okay lang sa kin kahit ano isipin nila, para hindi ako magmukhang santa ahihi..

  3. duking says:

    ganun pala itsura mo sa ‘clay me’ kapag ginawan ka ng rebulto.hahaha!

    sana magtuloy tuloy yung hilig ni michael sa arts. painting at sculpture siguro. visual arts at literature. bibihira na kasi ang breed ng gaya namin ni michael. hahaha!

  4. twistedisme says:

    pogi si mic :D ayun lang wala ka ring angas na mapagmamalaki pag nandyan na siya :lol:

    pero mas makulit ka kumpara sa kanya =)) joke

    • Leemi says:

      mas makulit ba ko? ahahha okay, kanino ba magmamana eh di sa makulit na genes! pogi daw sya, pinatunayan yun ng caption nya sa isang picture nya ahahha, self proclaim na yun at paborito ko pa rin sya kahit mas tumangkad pa sya kesa sa kin :D

  5. kayedee says:

    hapi bday ky mic..
    bkt puro bakla ung sa panlalait nya? my kagalit xang bkla? eheheh

  6. J. Kulisap says:

    Happy Birthday Michael.

    happy birthday michael

    Nasabi ko na ba, Happy birthday michael?

    Hehehehe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s