Ito ang aking una at huling post para sa buwang ito, alam kong matagal na akong hindi nagsusulat at alam kong namimiss na ako ng blog ko (chos!). Ito rin ang unang post ko na ginawa dito sa opisina, nakakatamad magtrabaho ngayon bukod sa nakabakasyon na ang ibang emplyeyado, nasa out of town din pati Boss ko. Normal na empleyado lang ako at normal na tinatamad rin minsan.
Last year, ganitong buwan, ang dami kong wish para sa susunod na taon, sumali pa ko sa isang contest para sa mga wish ko for the next year.. pero unfortunately walang nangyari, at mas down pa nga ako buong taon., kaya hindi na ko magwiwish.
Buong taon ding wala akong time magsulat, o kung may sinulat man ako, puro sama lang ng loob, kaya hindi ko na lang post kalimitan, nakakahawa ang bad vibes.
Alam ko maraming blogger ang hiatus ngayon, namimiss ko sila, pero bukod dun namimiss ko rin ang sarili ko kapag kakulitan ko sila… namimiss ko na ang sarili ko, arte lang!
Sa nagdaang taon na to, marami na naman akong natutunan:
- Mas madaling gumastos kesa magsave, kaya gumastos na lang, anyway 2012 na kaya wala ng reason for savings
- Masarap kumain kahit anong oras, pagud, at masama ang loob, pinakamasarap kumain kapag walang iniisip na tataba na naman.
- Hindi madaling mag adjust mula sa pagiging OFW pabalik sa EDSA, nakakiyak! para kang nasa malamig na Head Office at bigla kang nilagay sa Planta.
- Masaya ang maraming kaibigan, pero totoo pa rin na matetest lang ang mga totoong kaibigan kapag hindi na masaya ang mga nangyayari sa magulo mong buhay
- Naapreciate ko lang ang aking gifted future dahil mas nauuna pa rin to sa aking tyan
- May mga kwento at sikreto pa rin ako na ang hirap ikwento kahit kanino. Nakakainis isipin na ginawa ko yun at thankful na lang tapos na lahat yun.
- Masarap yung pakiramdam na parang bigla akong gumagaan pagkagaling sa CR
- Mahirap mabuhay ng wala man lang inspirasyon kaya kahit yung alaga mong kamote lang maging inspirasyon mo mas okay pa rin kesa gigising ka at pipilitin mo ang sarili mo kong gusto mo ba talagang gumising pa… inspirasyon ko na kakain na naman ako kaya bumabangon na ko sa umaga.. at si Chief!
- Mahirap masanay sa mga bagay na dati namang wala at babalik ka na naman sa dati.. mahirap maghand wash, syeteng washing machine nasira pagkaalis ni ate ining!
- Wag masyadong magtiwala sa mga taong kompiyansa masyado, minsan mas masaklap pa ang nagyayari kapag inasahan sila. Sabi nga, “there’s a thin line between arrogance & confidence”
- Kalimitan yung masarap ngayon, sakit sa ulo na bukas.
- Maapreciate mo lang ang mga masasayang panahon kapag naranasan mong gahasain ng masamang pagkakataon.
- Kahit anong haba man ng gabi sa party, inuman, at gimikan, pinakamasarap pa ring gumising sa sariling kwarto
- kahit anong ganda ng lahat ng plano mo sa buhay, hindi lang ikaw ang factor na gagawa ng lahat, minsan nakasalalay pa yung mahahalagang bagay sa decision ng ibang tao, pero nasa sa’yo kung iaasa mo lang lahat sa kanila ang takbo ng buhay mo.
- Ako man ang pinakagagang tao sa mundo, maglagalag at ubusin ang lahat ng savings ko, mauubos ang mga kaibigan at malayo sa mahal ko, pero iba pa rin talaga ngayon umuwi ako sa bahay., alam ko na, hindi pangbida ang karakter ko, more on alibughang anak siguro.
- Pagkatapos kong tanggapin ang lahat ng negative na nangyari sa buhay ko, thankful pa rin ako sa lahat ng yun dahil ngayon alam ko ang bawat pakiramdam, Ginawa ko man ang lahat ng bawal, tapos na ako sa part ng buhay ko na yun, nandito na ‘ko, nagsisimula.
Siguro ito na rin ang huli kong post dito, siguro mag 365 project ako next year o siguro gagaawa na lang ako ng anonymous blog o siguro charos lang to at active na ko sa pagsusulat next year. Kung ano man, dito lang sa gilid gilid.. di nyo man ako lagi maramdaman, dumadalaw pa rin ako sa bahay nyo minsan.
Happy New Year sa lahat. Sana magpakabait na tayo.




























































